Monday, May 11, 2015

Google Docs


Matagal ko nang naririnig ang paggamit ng google docs, ngunit ngayon ko lamang napagtanto kung paano ito gamitin at kung ano ito. Na-excite talaga ako nung malaman ko na tuturuan kami gumamit ng google docs.
Pinapindot sa amin yung may maliliit na box sa taas at pinili namin ang google docs.

Tapos lalabas na yung mga documents na nagawa. 

Ang ginawa naming laboratory exercise para sa meeting na ito ay nagrupo kami at gumawa ng isang istorya gamit ang google docs. hindi kami pianyagang magtabi-tabi at gumamit ng chat. Duon ko napagtanto na kahit may mga ganitong app ay mas maigi pa din ang magkakaharap kayong gumagawa ng isang gawain.

Sobrang nagging malaki ang pakinabang ko sa google docs. Ginagamit ko na din ito sa iba ko pang subject. Mas mabilis kaming nakakapagugnayan magkakagrupo sa aming mga group assignments at projects. Sinisigurado kong gagamitin ko ang google docs/apps kapag ako ay ganap na guro na. 

Monday, April 27, 2015

Cascading Style Sheets

Ang naging discussion namin ay tungkol sa CSS 3 na binigyan ng introduction nuong nakaraang meeting. Mayroon na akong background nuong ako ay elementary at highschool sa HTML ngunit hindi pa ata gumagamit nuon ng CSS sapagkat sa aking pagkakaalala, inilalagay na namin ang tags kung saan ito kailangan.

HTML

Sa meeting namin na ito ay diniscuss sa amin ang HTML (Hypertext Markup Language). Ito ay isang language na ginagamit sa pagdedescribe ng mga nilalaman ng isang web page o web site. Ang ginamit namingversion ng HTML ay ang HTML 5. Ito ang pinabagong version ng HTML. Bahagya din naming pinagusapan ang CSS o ang Cascading Style Sheets. CSS 3 naman ang aming ginamit.

Monday, April 13, 2015

Introduction to Python

Pinagusapan sa aming klase ang Python. Ang sabi ng aming guro, isa itong programming language na ginawa ni Guido van Rossum noong 1980s. Tulad ng ibang programming language meron din itong mga objects, variables, operators at expressions.

May mga pinatype sa aming examples sa text editor at ni-run namin ito sa terminal. Pagkatapos ng ilan pang examples, nagtungo na kami sa paggawa ng aming lab exercise. Ito ay ang paggawa ng isang program na nagcoconvert ng temperature sa Fahrenheit papuntang Celcius o pabalik naman. Kailangan din ng exit button kung sakaling tapos na ang user na gamitin ang nasabing program. Gumamit kami ng iterative at conditional statements.   

Monday, March 30, 2015

Programming:">

Sa aming huling laboratory exercise sa IT 1, kami ay tinuruan ng basic programming. Itinuro sa amin ang paggawa ng flowchart at ng pseudocodes.
FLOWCHART SYMBOLS
http://clanguageprograming.blogspot.com/p/flowchart.html
Bago ko pa man ito makita sa IT 1, natutunan ko na ito sa aking AMAT 150 na tinatake ko din ngayon semestre. Patungkol din ang nasabing subject sa computer programming. Ginagamit naman namin duon ang ForTran(Formula Translating System) upang makagawa ng mga program na nagso-solve ng mga Math problems o iba pa, kahit mga simpleng laro. 

Para sa aming lab exercise, simple lamang ang aming ginawa sa IT na nagsilbing introduction sa pagpro-program. Mayroong kaming site  na pinuntahan kung saan pagsusunod sunudin naman ang mga blocks na may lamang codes upang makarating ang isang tao sa dulo ng maze. 

Friday, March 13, 2015

Binary Arithmetic

Ang aming nakaraang laboratory exercise ay patungkol sa Binary Arithmetic. Ito ay isang mahalagang parte ng mga computer at iba pang digital na mga bagay.

Ano nga ba ang Binary Arithmetic?

Ang Binary Arithmetic ay ang pagsasagawa ng simpleng arihtmetic operations tulad ng addition at subtraction sa mga binary numbers. Mula sa aming mga nakaraang exercise, ang mga binary numbers na tinutukoy natin dito ay kinabibilangan lamang ng dalawang numero: ang 1 at 0.

Aming din pinag-aralan ang Fixed Point Representation na may tatlong uri:

  • Magnitude Representation
  • Signed-Magnitude Representation
  • Signed-Complement Representation
Narito ang ginamit naming handout para sa lesson na ito:))

Monday, March 9, 2015

Number Systems

Our exercise last meeting in IT 1 was about number systems. According to our instructor, it is used to represent digital data. This digital data is represented by symbols called digits. 
http://east82.com/howto/ip_addressing/bin_dec_hex.htmNumber Systems
We were also taught how to do base conversions. Here are some steps:

Base-r to Decimal

Procedure:
  1. Multiply each coefficient with the corresponding power of r.
  2. Get the sum.

Decimal to Base-r

Procedure:
  1. Divide integer by r.
  2. Accumulate remainders.

Binary to Octal

Procedure:
  1. Partition binary numbers into groups of 3.
  2. Compute the decimal equivalent of each group.

Binary to Hexadecimal

Procedure:
  1. Partition binary number into groups of 4.
  2. Compute the decimal equivalent of each group.

Octal to Binary

Procedure:
Convert each octal digit to its 3-digit binary equivalent

Hexadecimal to Binary

Procedure:
Convert each hexadecimal digit to its 4-digit binary equivalent.

Octal to Hexadecimal or Hexadecimal to Octal

Procedure:
Convert first to either Binary or Decimal.


I got this information from our laboratory handout. We also had an intraclass quizcon. It was so much fun converting under time pressure. I hope that I will soon be able to convert without my handout:)

Monday, March 2, 2015

System Unit

Ang pangalawa naming Laboratory Exercise Sa IT1 ay patungkol sa System unit. Ipinakita ng aming instructor ang iba't ibang parte nito, ang silbi ng bawat isa at kung saan ikakabit ang mga ito.
Mga parte ng isang system unit
http://pixshark.com/computer-system-unit.htm

Itinuro din sa amin kung ano ang mga katangiang kailangang taglay ng CPU, RAM, Hard Disk Drive at iba pa upang masabing maganda ang mga ito. 

Madalas kaming nagkukumpuni ng aking tatay ng system unit. Hindi man namin alam ang mga tawag sa mga parteng ito ay unti-unti naming natutunan kung paano ang pagkabit-kabit sa mga ito at kung para saan sila. Maiging pinili ko ang IT1 bilang isa sa aking mga GE courses sapagkat malaki talaga ang maitutulong nito sa amin.

Monday, February 16, 2015

Blogging:)

Sa aming laboratory exercise na ito, sinikap naming makagawa ng aming gmail account at blog sa IT 1. Hindi ko inakalang makakagawa ako ng blog sa buong buhay ko. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na gustong magshare na lang basta ng kahit ano sa mga taong hindi ko naman kakilala. Pero ayun, kailangan kasing gawin kaya gagawin ko na lang. Baka dumating naman yung time na maenjoy ko siya or maappreciate man lang. Hindi ko rin kasi trip ang magbasa ng opinion ng iba. 

Isang linggo ang binigay sa aming palugit upang magawa ang profile at isang post sa blog ng bawat isa. Pero eto ako, gumagawa ng post night before the deadline. Parang sobrang hirap magisip ng isusulat sa blog. Sinubukan kong magsearch ng iba pang tungkol sa blog at sa mga blog posts ng ibang tao. Nalaman kong napakarami palang uri ng blogs. Pinagiisipan ko kung anung klaseng blog ang maganda kong gawin. Dahil MusicAngel ang pangalan ng blog ko, susubukan kong patungkol sa music ang mga ipoposts ko:)

Sinubukan kong iexplore ang pagblo-blog dito sa blogger.com. Napapunta ako sa overview at aking nakita na may nagview sa mga pinaggagawa ko! Pinagdadasal ko pa namang wala sana magview kasi wala naman silang mapupulit dito. Gayun pa man, sisikapin kong makapag lathala ng may katuturang bagay sa mga susunod:D

Profile

Name: Angelica P. Rimorin
Nickname: Gelic
Birthday: October 14, 1993
Age: 21 years old
Student Number: 2010-25617
Course: BS Mathematics and Science Teaching
Major: Biology
Contact Information:
              angelicarimorin@yahoo.com
              angelica.rimorin19@gmail.com
Organization: UPLB Lisieux Music Ministry