Monday, February 16, 2015

Blogging:)

Sa aming laboratory exercise na ito, sinikap naming makagawa ng aming gmail account at blog sa IT 1. Hindi ko inakalang makakagawa ako ng blog sa buong buhay ko. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na gustong magshare na lang basta ng kahit ano sa mga taong hindi ko naman kakilala. Pero ayun, kailangan kasing gawin kaya gagawin ko na lang. Baka dumating naman yung time na maenjoy ko siya or maappreciate man lang. Hindi ko rin kasi trip ang magbasa ng opinion ng iba. 

Isang linggo ang binigay sa aming palugit upang magawa ang profile at isang post sa blog ng bawat isa. Pero eto ako, gumagawa ng post night before the deadline. Parang sobrang hirap magisip ng isusulat sa blog. Sinubukan kong magsearch ng iba pang tungkol sa blog at sa mga blog posts ng ibang tao. Nalaman kong napakarami palang uri ng blogs. Pinagiisipan ko kung anung klaseng blog ang maganda kong gawin. Dahil MusicAngel ang pangalan ng blog ko, susubukan kong patungkol sa music ang mga ipoposts ko:)

Sinubukan kong iexplore ang pagblo-blog dito sa blogger.com. Napapunta ako sa overview at aking nakita na may nagview sa mga pinaggagawa ko! Pinagdadasal ko pa namang wala sana magview kasi wala naman silang mapupulit dito. Gayun pa man, sisikapin kong makapag lathala ng may katuturang bagay sa mga susunod:D

No comments:

Post a Comment