Matagal ko nang naririnig ang paggamit ng google docs, ngunit ngayon ko lamang napagtanto kung paano ito gamitin at kung ano ito. Na-excite talaga ako nung malaman ko na tuturuan kami gumamit ng google docs.
Pinapindot sa amin yung may maliliit na box sa taas at pinili namin ang google docs.
Tapos lalabas na yung mga documents na nagawa.
Ang ginawa naming laboratory exercise para sa meeting na ito ay nagrupo kami at gumawa ng isang istorya gamit ang google docs. hindi kami pianyagang magtabi-tabi at gumamit ng chat. Duon ko napagtanto na kahit may mga ganitong app ay mas maigi pa din ang magkakaharap kayong gumagawa ng isang gawain.
Sobrang nagging malaki ang pakinabang ko sa google docs. Ginagamit ko na din ito sa iba ko pang subject. Mas mabilis kaming nakakapagugnayan magkakagrupo sa aming mga group assignments at projects. Sinisigurado kong gagamitin ko ang google docs/apps kapag ako ay ganap na guro na.






