Pinagusapan sa aming klase ang Python. Ang sabi ng aming guro, isa itong programming language na ginawa ni Guido van Rossum noong 1980s. Tulad ng ibang programming language meron din itong mga objects, variables, operators at expressions.
May mga pinatype sa aming examples sa text editor at ni-run namin ito sa terminal. Pagkatapos ng ilan pang examples, nagtungo na kami sa paggawa ng aming lab exercise. Ito ay ang paggawa ng isang program na nagcoconvert ng temperature sa Fahrenheit papuntang Celcius o pabalik naman. Kailangan din ng exit button kung sakaling tapos na ang user na gamitin ang nasabing program. Gumamit kami ng iterative at conditional statements.
No comments:
Post a Comment