Monday, April 27, 2015

Cascading Style Sheets

Ang naging discussion namin ay tungkol sa CSS 3 na binigyan ng introduction nuong nakaraang meeting. Mayroon na akong background nuong ako ay elementary at highschool sa HTML ngunit hindi pa ata gumagamit nuon ng CSS sapagkat sa aking pagkakaalala, inilalagay na namin ang tags kung saan ito kailangan.

HTML

Sa meeting namin na ito ay diniscuss sa amin ang HTML (Hypertext Markup Language). Ito ay isang language na ginagamit sa pagdedescribe ng mga nilalaman ng isang web page o web site. Ang ginamit namingversion ng HTML ay ang HTML 5. Ito ang pinabagong version ng HTML. Bahagya din naming pinagusapan ang CSS o ang Cascading Style Sheets. CSS 3 naman ang aming ginamit.

Monday, April 13, 2015

Introduction to Python

Pinagusapan sa aming klase ang Python. Ang sabi ng aming guro, isa itong programming language na ginawa ni Guido van Rossum noong 1980s. Tulad ng ibang programming language meron din itong mga objects, variables, operators at expressions.

May mga pinatype sa aming examples sa text editor at ni-run namin ito sa terminal. Pagkatapos ng ilan pang examples, nagtungo na kami sa paggawa ng aming lab exercise. Ito ay ang paggawa ng isang program na nagcoconvert ng temperature sa Fahrenheit papuntang Celcius o pabalik naman. Kailangan din ng exit button kung sakaling tapos na ang user na gamitin ang nasabing program. Gumamit kami ng iterative at conditional statements.