Sa aming huling laboratory exercise sa IT 1, kami ay tinuruan ng basic programming. Itinuro sa amin ang paggawa ng flowchart at ng pseudocodes.
![]() |
| FLOWCHART SYMBOLS http://clanguageprograming.blogspot.com/p/flowchart.html |
Bago ko pa man ito makita sa IT 1, natutunan ko na ito sa aking AMAT 150 na tinatake ko din ngayon semestre. Patungkol din ang nasabing subject sa computer programming. Ginagamit naman namin duon ang ForTran(Formula Translating System) upang makagawa ng mga program na nagso-solve ng mga Math problems o iba pa, kahit mga simpleng laro.
Para sa aming lab exercise, simple lamang ang aming ginawa sa IT na nagsilbing introduction sa pagpro-program. Mayroong kaming site na pinuntahan kung saan pagsusunod sunudin naman ang mga blocks na may lamang codes upang makarating ang isang tao sa dulo ng maze.


No comments:
Post a Comment